Reprinted from
www.pilipino-express.com
May 1-15, 2016

Rey-Pacheco-Hinagap-bylineInip na inip

Sa loob at labas ng bayan kong api,
Tulad sa panahon na mistulang gabi;
Maraming nagsikap, nawalan ng silbi,
Sanhi ng maraming naging mapang-api!
***
Karaniwang tao ay pinabayaan,
Ang mga hikahos mistulang basahan;
Namuno’y makiling sa mga mayaman,
Akala’y mabuti, bagkus ay gahaman!
***
Ang bayang binihag ng matinding lungkot,
Sukdulan ang inip habang nakalugmok;
Pag-asa’y maglaho ang paghihikahos;
Kung kailan kaya ay hindi matalos!
***
Mapanglaw na gabi ay inip na inip,
Sa bagong umagang may ligayang hatid!

(Paquito Rey Pacheco writes ‘Pilantik’, a regular column in Winnipeg’s Pilipino Express News Magazine. He also writes the poetry column ‘Hinagap’.

He worked for 21 years in Philippine radio broadcasting and was a former PRO for Radio in the Office of the Secretary of Philippine National Defense , former Chairman of the Rural Broadcasters Council of the Philippines and also worked for Silangan in Winnipeg. He was former News Director of Good Morning Philippines for 13 years on CKJS Radio 810 AM.

E-mail: kakareypacheco@yahoo.ca.)