Following the congressional hearings into the alleged links of Senator Leila de Lima to drug dealings, his former driver and alleged paramour was investigated by the House of Representatives. The resulting circus prompted this blog from The Professional Blogger.
WARNING: GRAPHIC LANGUAGE

The Professional Heckler


CLIMAX: CONGRESS UNCENSORED

IF THERE’S a case against Leila De Lima, she must be charged and tried in the court of law. If the allegations are proven to be true, she must face the consequences of her actions. But first, Leila De Lima must be shamed – at least according to Filipino congressmen and their online cheering squad.

Just when you thought, the Lower House couldn’t get lower, Nov. 24 happened. In case you missed it, here’s the unedited, uncensored transcript of the sexually-charged portions of Thursday’s hearing at the House of Representatives.

SEX

Congressman A: Minahal mo ba si De Lima?

Ronnie Dayan: Minahal ko po.

Congressman A: Totoong pagmamahal?

Ronnie Dayan: Tama po.

Congressman A: Kung ganun, ilang beses kayo nagse-sex noon sa loob ng isang linggo?

Ronnie Dayan: Ano pong kuneksyon niyan sa droga?

Congressman A: I would like to remind you Mr. Witness. You are under oath! Inuulit ko: ILANG BESES KAYO NAGSE–SEX SA LOOB NG ISANG LINGGO?!

Ronnie Dayan: Sige, sumigaw pa kayo. Ilakas n’yo pa para malaman ng lahat kung gaano kayo kaatat magtanong tungkol sa sex! May mikropono na, sumisigaw pa. Sige, heto ang mikropono ko para dalawa na. Go, sigaw pa! Pati sexual position, gusto n’yong ikuwento ko?

Congressman A:

Ronnie Dayan:

Congressman A: ‘To naman. Nagtatanong lang. Ang dami agad sinabi!

UNDER OATH

Congressman B: Ikaw ba ay nangulekta ng pera mula sa drug lords sa Bilibid para kay De Lima?

Ronnie Dayan: Hindi po.

Congressman B: Sigurado ka?

Ronnie Dayan: Opo.

Congressman B: I am reminding you, you are under oath.

Ronnie Dayan: Hindi nga eh. ‘Tang ina.

Congressman B:

Ronnie Dayan: Sorry naman. Na-carried away lang. Ang kulit n’yo kasi.

TAKSIL!

Congressman C: Ito na lang: kung hindi ka nangulekta ng drug money sa Bilibid para kay De Lima, minahal mo ba siya?

Ronnie Dayan: Opo.

Congressman C: Ilang years naging kayo?

Ronnie Dayan: Pito po.

Congressman C: Ibig sabihin, nagtaksil ka sa iyong asawa?!?

Ronnie Dayan: Sino po bang hindi nagtaksil sa asawa? SA MGA CONGRESSMAN NA NANDITO NGAYON, SAGUTIN N’YO PO AKO, SINO SA INYO ANG HINDI NAGTAKSIL SA ASAWA? IKAW SIR, HINDI KA BA NAGTAKSIL SA IYONG ASAWA? SINO SI CATHERINE, ‘YONG DATING SCHOLAR MO SA PROBINSYA NA GINAWA MONG RESEARCH ASSISTANT?!? SAGOT!!!

Congressman C:

Ronnie Dayan: Nagtatanong lang sir. Kung ayaw mong sagutin, ‘k lang. Walang pilitan.

NECESSARY

Female Solon: This line of questioning is necessary to establish your closeness to Senator De Lima. Sana ay maintindihan kami ng publiko. Moving on, may asawa ka ‘di ba?

Ronnie Dayan: Opo. May asawa po ako.

Female Solon: May asawa ka pero nakiapid ka kay De Lima. May mga anak kayo pero iniwan mo ang iyong misis para sa kanya. Anong klaseng asawa ka? Anong klaseng ama ka? At anong klaseng tao ka?

Ronnie Dayan: Bakit ganyan ka manghusga ma’am? Hinusgahan ba kita nang ipatayo mo ang Cebu International Convention Center noong 2006 na walang public bidding? Hinusgahan ba kita nang sampahan ka ng 11 counts of graft ng Ombudsman? Hinusgahan ba kita nang ma-indict ka dahil sa katiwalian?

Female Solon:

Ronnie Dayan: No further questions ma’am. You may proceed. Thank you.

1belar
CLIMAX

Congressman D: Ang pagmamahal mo ba kay De Lima ay tapat, wagas, at dalisay?

Ronnie Dayan: Tama po sir.

Congressman D: Ibig sabihin, hindi lang ito init ng katawan?

Ronnie Dayan: Hindi po.

Congressman D: Saan ito nag-climax?

Ronnie Dayan: Ba’t po ganyan ang inyong mga tanong?

Congressman D: ‘Wag mo akong husgahan gago. In aid of masturbation legislation ang ginagawa namin.

DOMESTIC VIOLENCE

1harry-roqueCongressman E: Totoo bang nag-away din kayo ni De Lima noon?

Ronnie Dayan: Totoo po sir. Kasi nalaman kong may iba na s’ya.

Congressman E: Anong ginawa mo noong nag-away kayo?

Ronnie Dayan: Sinampal ko po siya sir.

Congressman E: SINAMPAL MO!?!? Ka-babaeng tao sinaktan mo? Wow. Sana nag-isip ka muna.

Ronnie Dayan: Sana sir inisip n’yo rin ‘yan bago n’yo sinaktan ang asawa n’yo noon!

Congressman E:

Ronnie Dayan: Tumatakas pa nga siya noon para makaiwas sa pananakit n’yo ‘di ba?!?

Congressman E:

Ronnie Dayan: Humingi pa nga s’ya noon ng tulong sa women’s groups ‘di ba?

Congressman E:

Ronnie Dayan: And worse, nang ‘di na niya makayanan

Congressman E: ‘Tang ina mo manahimik ka gago!!%$# Mr. Chair, I move for a one-minute suspension.

SEX VIDEO 1

Congressman F: Totoo ba ang tsismis na may sex video kayo ni De Lima?

Ronnie Dayan: Hindi po. Eh kayo sir, totoo ba ang tsismis na may sex video kayo ng dating sexy actress na si V***** V**** noong 1980s?

Congressman F: Dapat kasi ‘di na ako nagtanong eh. No further questions Mr. Chair.

1harry-roque

1belar

SALAT

Congressman G: Sabi mo, may dinala kang pera kay De Lima galing kay Kerwin Espinosa pero ‘di mo alam kung magkano?

Ronnie Dayan: Tama po.

Congressman G: Sigurado kang pera? Bakit ‘di mo alam kung magkano?

Ronnie Dayan: Hindi ko po sinilip. Sinalat ko lang.

Congressman G: Ang hilig mo kasing magsalat!

Ronnie Dayan: Ano pong pangalan n’yo sir?

Congressman G: Harry. I am Congressman Harry Roque.

Ronnie Dayan: Ang baboy n’yo po.

Congressman G:

Ronnie Dayan: Joooke.

KABIT

Female Solon 2: So inaamin mong naging kayo talaga ni Senator De Lima.

Ronnie Dayan: Tama po.

Female Solon 2: Pamilyado kang tao. Ibig sabihin, kabit mo si De Lima?

Ronnie Dayan: Hindi ko po itinatanggi.

Female Solon 2: No further questions Mr. Chair.

Ronnie Dayan: Excuse me ma’am, kayo po ba si Congresswoman Baby Arenas?

Female Solon 2: Oo, ako nga. Bakit?

Ronnie Dayan: Kababayan ko po si dating Pangulong Ramos.

Female Solon 2:

Ronnie Dayan; #justsaying

SEX VIDEO 2

Congressman X: Totoo bang may sex video kayo ni De Lima?

Ronnie Dayan: Sex video po??

Congressman X: Oo! SEX VIDEO!

Ronnie Dayan: Wala po.

Congressman X: I am reminding you Mr. Dayan: you are still under oath! Again, ang tanong ko: may sex video ba kayo ni De Lima?

Ronnie Dayan: Wala po.

Congressman X: So hindi totoo ‘yung napanood ko sa Pornhub.com?

Ronnie Dayan: Hindi po.

Congressman X: Edited lang ‘yong nakita ko sa MangKanor.net?

Ronnie Dayan: Malamang sir.

Congressman X: Punyeta! Bukas na bukas din, I am going to file a bill that will punish people who upload fake videos on porn sites. Panloloko ang ginagawa ng mga ‘yan!
—————————————————————————————————————-
“Did freedom have to mean abolishing common decency?”
~Francine Rivers, ‘A Voice in the Wind’

Sound Bites
“It is not surprising that there is a surge in the number of sexual harassment cases against our women both online and off. The dishonorable behavior of our lawmakers has reinforced this despicable culture since the beginning of these investigations.”
~Sen. Risa Hontiveros

Bay of pigs.

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Screen caps: Rappler]

professionalheckler | PMpFri, 25 Nov 2016 23:34:38 +000034Friday 18, 2007 at 7:02 p11 | Tags: baby arenas, lower house hearing de lima ronnie dayan, political humor, professional heckler, ronnie dayan harry roque, rudy farinas lower house de lima ronnie dayan, slut-shaming de lima lower house | Categories: Hodgepodge | URL: http://wp.me/p4c4v-5wL