Ministry of Attorney General
BAGONG BALITA
Libu-libo ang nagbahagi ng kanilang mga puna hinggil sa paggamit ng datos upang tugunan ang sistemikong rasismo
VICTORIA – Mahigit sa 13,000 British Columbians ang lumahok sa isang engagement tungkol sa kung paano ligtas at maingat na magagamit ng pamahalaan ang demograpikong datos upang tugunan ang sistemikong rasismo at magtatag ng mas mahusay at mas inklusibong province para sa lahat.
Ito ang isa sa pinakamalawak na mga konsultasyon sa publiko na ginawa ng Province at ibabatay dito ang unang batas ng B.C. ukol sa anti-racism data na sisimulan sa darating na buwan.
“Ilang taon nang humaharap ang Indigenous, Black, at people of colour sa mga inequity o hindi pagkakapantay-pantay at sila’y hindi isinali sa pagdibelop ng mga serbisyo at mga suporta,” sabi ni Rachna Singh, ang Parliamentary Secretary for Anti-racism Initiatives. “Ang batas na ito ay nakabatay sa masigasig na trabaho at pagtataguyod ng Indigenous partners, Black, at racialized communities. Ang kanilang mga tinig ay nasa kalagitnaan ng batas na ito, at tutulong ito sa pagtaguyod ng pagiging pantay-pantay ng lahat ng mga lahi sa British Columbia.”
Mula Setyembre 2021 hanggang Enero 31, 2022, ay nakipagtalakayan ang Province sa mga Indigenous na Tao at racialized communities upang mas maunawaan kung paano pabutihin ang mga serbisyo at tugunan ang sistemikong rasismo sa B.C. sa pamamagitan ng ligtas na pamamahagi ng datos tungkol sa kanilang identidad.
Sa loob ng apat na buwan na ito, 13,052 katao ang nagbigay ng kanilang mga perspektibo sa pamamagitan ng tatlong paraan: isang online public engagement; pakikipagtalakayan sa komunidad, at pakikipagtalakayan sa mga Indigenous na pinuno at mga Indigenous at Métis na komunidad.
Mahigit sa 90% ng mga kalahok sa pakikipagtalakayan sa komunidad ang naniniwala na ang pangongolekta ng demograpikong datos ay maaaring magdulot ng positibong pagbabago sa B.C. at maaaring mauwi sa pagkakaroon ng tiwala ng pamahalaan at mga Indigenous na Katao at racialized communities sa isa’t-isa.
Upang suportahan ang talakayan, ang Province ay naglaan ng mahigit sa $1.1 milyon upang suportahan ang halos 70 mga organisasyon sa komunidad upang pamunuan ang kanilang mga sariling session; mayroon ding funding na available sa Indigenous at Métis na mga organisasyon, kabilang dito ang BC Association of Aboriginal Friendship Centres at ang Métis Nation BC.
Mahigit sa 450 sessions ang itinanghal sa loob ng apat-na-buwang panahon. Kabilang sa mga natuklasan ang:
- kahalagahan ng pangongolekta ng datos na tumutugma sa kung paano mas gusto kilalanin ng mga tao ang kanilang mga sarili, lalo na para sa First Nations at Métis na mga komunidad;
- ang pangangailangan para sa data at security standards para sa ligtas na storage at paggamit ng impormasyon;
- ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malinaw na paggamit ng datos at ang pangangailangang makakita ng mga sistemikong pagbabago bilang resulta ng bagong batas na ito; at
- ang pangangailangang ilahok ang mga komunidad sa pagtiyak kung paano gagamitin ang kanilang datos at kung kanino ito ibabahagi, nang hindi magagamit ang impormasyon upang i-stigmatize o i-stereotype ang mga tao.Ang batas ukol sa anti-racism data, na siyang sisimulan sa mga darating na linggo, ay tumutugon sa mga paghahamon na binanggit sa mga talakayan, at nakabatay ito sa mga pangunahing rekomendasyon mula sa report ng Human Rights Commissioner ng B.C. — ang “The Grandmother Perspective,” na nagbibigay ng mga mungkahi kung paano maaaring gamitin ng pamahalaan ang disaggregated data upang matugunan ang sistemikong diskriminasyon. Ito’y batay rin sa mga rekomendasyon mula sa In Plain Sight report, mula kay Mary Ellen Turpel-Lafond, na nagbabalangkas sa mga hakbang na gagawin ng pamahalaan upang matugunan ang rasismo laban sa mga Indigenous na tao sa health care system sa B.C.
Ang Province ay patuloy na makikipagtulungan sa Indigenous, Black, at people of colour sa panahon ng development at refinement ng batas bilang bahagi ng pangako nito na labanan ang lahat ng mga anyo ng sistemikong diskriminasyon.
Para sa karagdagang impormasyon:
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa proseso ng engagement o talakayan, at upang basahin ang mga report, bisitahin ang: https://engage.gov.bc.ca/antiracism
Kung ikaw ay biktima ng isang hate crime, humanap ng suporta online:
Upang basahin ang “The Grandmother Perspective” report, bisitahin ang:
Disaggregated demographic data collection in British Columbia: The grandmother perspective
Upang basahin ang In Plain Sight report, bisitahin ang:
https://engage.gov.bc.ca/app/uploads/sites/613/2020/11/In-Plain-Sight-Summary- Report.pdf
Kontakin ang:
Ministry of Attorney General Media Relations 778 678-1572
Makipag-connect sa Province of B.C. sa: news.gov.bc.ca/connect