A Lumad speaks: NO TO WAR NO TO MARTIAL LAW

Internationally-acclaimed visual artist Bert Monterona pose with Lumad elders. (Provided)

Vancouver, B.C.

NO TO WAR NO TO MARTIAL LAW

By Bert Monterona

Noong edineclara ni Presidente Marcos ang Martial Law sa Pilipinas noong September 21, 1972. Isa ako sa kabataang saksi sa karahasan nito. Isinilang ako sa isang barangay sa bayan ng Kibawe, Bukidnon mula sa isang Inang Lumad at amang Cebuano. Nasaksihan ko ang prosesyon ng mga bakwit araw at gabi na naglalakad patungong bayan na ang iba ay galing pa sa boundary ng Cotabato at Bukidnon.

Nilisan din namin ang aming bahay at pananim at lumipat sa isang bayan ng Lanao del Norte. Lumala ang gulo at patayan, naranasan kong umapak sa dugo ng pinatay na tao, at naranasan din ng aking pamilyang gumapang sa lupa upang iwasan ang nagliliparang mga bala, naranasan din ng aking ina na umakyat sa bubong ng bahay bitbit ang aking mga kapatid upang tumakas habang tumutulong ang aking ama sa kapatid nyang Chief of Police na humaharap sa mga kalaban. Ang digmaang ito ay bunga ng devide and rule tactics ng isang dectador at pinag sabong sabong ang mga Kristyano at Muslim. 

Ano ang kaibahan ng Martial Law noon at ngayon, noon sunugan ng bahay at patayan. At ngayon, Kung pinulbos ang Marawi dahil nandoon ang sinasabing mga terorista, Anon na ngayon ang naging buhay ng mga taong nakatira doon na pinaghirapang ma e pundar ang kanilang bahay upang mamuhay na mapayapa , hindi ba ninyo maramdaman ang sakit at pait ng damdamin na kanilang naramdaman, dahil kayo mismo na dyan nakatira sa ibang bayan halos matuliro na kayo pag hindi nakakabayad sa inyong buwanang renta o bayad sa hulugang bahay. Ano pa kaya kung ang pinaghirapan nyong itayo o pinundar ay maging abo.

Kung pairalin natin ang Martial Law upang makamtan ang kapayapaan, ilang Marawi pa kaya ang makakaranas nito…dahil ako ay naniniwala na ang kaguluhan ay resulta ng isang matinding kahirapan. Para sa akin mayrong kapayapaan kung ang masang Pilipino ay masayang namumuhay at may makakain sa hapag kainan tatlong beses sa isang araw. 

Ang problema ay hindi balance ang presyo ng mga bilihin sa sahud ng trabahante. Walang proteksyon ang Mang-gagawa sa industya at agricultura. Halimbawa ang sweldo ng mang-gagawa ay 350-450 pesos per day at kung bibili ng litson manok ang presyo nito ay mga 275 pesos, ngayon ang tanong ko, upang mapakain mo ng ganitong ulam ang iyong pamilya ilan ang matitira sa buong araw mong sahud plus bigas pa at ibang gastusin. Sa Canada ang mga kabataang nag-aaral sa highschool na nag part time nagtrabaho sa food industry ang sahud ay 8-10 $ per hour at kung bibili ng litson manok ang presyo ay mga 8-10 $ ang isa, ibig sabihin ay ang sweldo lang sa isang oras ang kanyang kailanganin para makabili ng litson manok. Pasensya na hindi ako magaling sa Mathematics ganon lang aking pag kumpara.

Ang mga Lumad sa Mindanao mula pa noong kapanahunan ng aking lolo at lola ay nakaranas na ng militarisasyon dahil ito ang mga nag protekta sa mga logging companies, Ang mga Datu noon na nakipag laban sa mga mining companies ay naging rebelde dahil kontra daw sa kaunlaran….Ngayon ang aking tanong? Ng maubos ang mga puno sa Mindanao tribal areas nakinabang ba ang mga lumad? Hindi! matinding hirap naranasan nila dahil ang kagubatan ay siyang source ng kanilang pagkain at medicina.

Tapos na ang logging ang mga mining company nanaman ang gustong lustayin ang Ancestral Domain o yutang kabilin. Ngayon ay matapang na ang mga Lumad na lumalaban upang protektahan ang natirang kagubatan kaya ganon din nagging rebelde nanaman ang mga Datung lumalaban at ang ibang mga datu ay kumampi sa mining companies kaya mas lalong nagkagulo ang “Lupang Pangako” 

Umalis ako sa Davao noong 2002 ngunit nakababad ako sa mga tribal areas since 1986 hangang umalis na ako, kaya alam ko ang kahirapan at pinaglaban nila. Isa lang ang solusyon huwag ng pakialaman ang kanilang natirang kagubatan at respetuhin ang kanilang Ancestral Domain at hayaang mamuhay ng mapayapa.

Ang mga Lumad ang naipit sa digmaang gusto nyong suportahan sa pamamagitan ng batas militar, kung hindi nyo alam mayrong estimated 14-17 million Lumad sa buong bansa at 61% percent ay nasa Mindanao, kaya kung tutuong mga NPA sila siguro sa dami nila nananalo na ang Communist Party of the Philippines. Kaya huwag nating husgahan at lahatin ang mga Lumad dahil mas naghihirap sila sa paghahanap buhay keysa sa inyong nakapindot lang sa inyong kboard.

Information para sa masyadong highblood:

Ako po ay isang taga Davao at tubong Mindanao, hindi ako nag post upang makipag talo ng political issue or political party…ako ay isang Lumad at nararamdaman ko ang mga takot at hirap ng mga kaptid kong lumad na nasa bundok pa naninirahan. Isa si Mayor Rudy Duterte noon sumuporta ng aking community art project at ako at aking kapatid tumutulong noon kay Nanay Soling Duterte sa kanyang pinagawang art sa kanilang lugar sa Marahan, lugar din ng mga Lumad. E attach ko din aking short bio upang hindi na kayo mahirapang e research ako.

“NO TO WAR NO TO MARTIAL LAW”

Bert Monterona is a Filipino visual artist living in West Vancouver, British Columbia, Canada. Monterona is actively involved as an educator, cultural worker, and active artist working in a wide variety of practices, including design, illustration, painting, murals, sculpture and installations. He also makes sets and builds props for stage performances and television shows.

Internationally acclaimed, Monterona is a recipient of numerous grants and residencies between 1995 and the present, including the Western Australia Department of the Arts and the Australia Council for the Arts Grant; the University of Western Australia School of Architecture and Fine Arts and Australian Embassy Philippines Residency Grant; and the Asian Artists Award of Vermont Studio Centre and the Freeman Foundation, U.S.A. Other commendations and awards include Finalist in the Philip Morris Group of Companies Annual Philippine and ASEAN Art Awards ( 1996,1997,1998,2000 & 2001) and winner of the GSIS Museum Artist of the Month Award and the Art Association of the Philippines Best Entry Award. In 2007, Monterona won the International Mural Festival and Competition in Manitoba, Canada. He went on in 2009 to become the Artist in Residence for the Mural Project of the Leigh Square Community Arts Village, City of Port Coquitlam. This project was part of the Necklace Public Art Initiative, an inter-municipal collaboration of ten municipalities in metro Vancouver. Bert is also a 2006 Recipient of British Columbia Provincial Nominee Program(BC PNP) as international artist and granted a permanent resident status of the Province of British Columbia, Canada

He was the Regional Coordinator for Mindanao of the National Commission for Culture and the Arts of the Republic of the Philippines from 1996-2001 and the founder and main visual arts facilitator of the Philippine Artists Network for Community Integrative Transformation of Migrante BC, Vancouver, Canada. As an artist-educator he has organized art workshops in schools and communities, for skills development, art-as- therapy and peace-building. Aside from his studio painting activities for galleries and art collectors, he is also active in social development advocacy work for non-governmental organizations and institutions by giving arts and cultural services for their education and information programs and campaigns. As a muralist, he has done large works about Peace based on Justice, Global warming and the Environment, Women and migrant workers and Indigenous people issues. Monterona’s art elevates social realities to aesthetic heights.

He just recently exhibited his Tapestry paintings in Gisors, France as guest artist during the GRAND BAZ’ ART International Art Festival and in Hong Kong at Jockey Club Creative Arts Center.

Ongoing solo exhibit “ All OUT PEACE NOT WAR” “ KALINAW HINDI DIGMAAN” February – October, 2018, National Museum Butuan, Philippines.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top