Agosto: Buwan ng Wika

Inilathala ng 

KOMISYON SA WIKANG FILIPINO 

2F Watson Bldg., 1610 JP Laurel St., San Miguel, Maynila Tel. 02-733-7260 • 02-736-2525
Email: komfil.gov@gmail.com • Website: www.kwf.gov.ph 

pastedGraphic.png 

Ano ang tinawag na “mga wika ng Filipinas”? 

Ang tinatawag na “mga wika ng Filipinas” ay ang iba’t ibang wikang katutubo na sinasalita sa buong kapuluan. Hindi tiyak ang bilang ng mga ito, ngunit may nagsasabing 86 at may nagsasabing 170. Itinuturing ang bawat isa na wika (language sa Ingles) dahil hindi magkakaintindihan ang dalawang tagapagsalita nitó na may magkaibang katutubong wika. Halimbawa, hindi maiintindihan ng tagapagsalita ng Ilokano ang tagapagsalita ng Bikol at vise-versa. Bawat isa sa mga wika ay may mga sanga at tinatawag na mga diyalekto na maaaring magkaiba sa isa’t isa sa ilang katangian. Ngunit nagkakaintindihan ang dalawang tagapagsalita na may magkaibang diyalekto. Halimbawa, may mga diyalektong Bulakenyo at Tayabasin ang Tagalog—may pagkakaiba sa puntó at sa bokabularyo—ngunit maaaring mag-usap at magkaintindihan ang isang taga-Malolos at isang taga-Tayabas. 

Dapat tandaan, ang itinuturing na “wikang katutubo” ay alinman sa mga wika na sinúso ng isang tao na ang mga magulang ay may angkang katutubo sa Filipinas. Kabílang sa wikang katutubo ang pangunahing gaya ng Tagalog o Waray o ang maliit na gaya ng Higaonon o Ivatan. Kahit maraming nagsasalita ngayong mamamayan ng Filipinas ay hindi maituturing na wikang katutubo ang Tsino o kahit ang Ingles. 

Maganda ring isaalang-alang ang depinisyon sa “Philippines languages” (na maaaring ituring na salin sa Ingles ng “mga wika ng Filipinas”) sa Republic Act No. 7104 na lumilikha sa Komisyon sa Wikang Filipino. Ang nakasaad sa Seksiyon 3 ng naturang batas, “(d) Philippine languages— refer to the indigenous languages of the Philippines including the national language and the regional and local languages.” Ibinibílang ng batas sa “mga katutubong wika” (indigenous languages) ang Wikang Pambansa (the national language). Marahil dahil kayâ sa pangyayaring ibinatay ang Wikang Pambansa sa isang katutubong wika—ang Tagalog—alinsunod sa atas ng 1935 Konstitusyon? Anupa’t umunlad man ang Filipino bilang Wikang Pambansa ay hindi nawawala ang katangian nitó bilang isang wikang katutubo. 

 Madalas Itanong Hinggil sa Wikang Pambansa 

What are the so-called “Philippine languages”? 

The so-called “Philippines languages” are the different native languages spoken in the archipelago. There is no definite number as to how many these languages are, but some say there are 86 and others 170. Each is considered a language because its two speakers who speak different native languages are unable to understand each other. For example, the Ilocano speaker will not understand the Bikol speaker and vice-versa. Each of the languages has its own branches called dialects which can be different from each other in terms of certain properties. But the two speakers who speak different dialiects are able to understand each other. For example, Tagalog has the Bulakeño and Tayabasin dialects— with differences in accent and vocabulary—but the Malolos native and the Tayabas native can converse and understand each other. 

It must be noted that what is considered a “native language” is any of the languages that has been “suckled from birth” by the individual whose parents and kinship are natives of the Philippines. Included in the category of native language are the major ones like Tagalog or Waray and the minor ones like Higaonon or Ivatan. Even if there are now numerous Filipino citizens speaking Chinese or even English, none of these languages can be considered native. 

It would also be sensible to consider the definition of “Philippine languages” in Republic Act No. 7104 which created the Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). The said law states, “(d) Philippine languages— refer to the indigenous languages of the Philippines including the national language and the regional and local languages.” The law includes in “indigenous languages” the National Language. Is it probably because the National Language was based on a native language—Tagalog—in accordance with the mandate of the 1935 Constitution? Such that, even if Filipino develops as the National Language, it won’t lose its quality as a native language. 

Bakit sinasabing “magkakamag-anak” ang mga wikang katutubo ng Filipinas? 

Ang mga wika sa Filipinas ay bahagi ng malaking pamilya ng mga wikang Awstronesyo. Sinasaklaw ng pamilyang ito ang mga wika mulang Formosa sa hilaga hanggang New Zealand sa timog, mulang isla ng Madagascar sa may baybáyin ng Aprika hanggang Easter Islands sa gitnang Pasipiko. Tinatantiyang umaabot sa 500 wika ang miyembro ng pamilyang Awstronesyo at sangwalo (1/8) ito ng mga wika ng mundo. 

Ang totoo, ang pagiging magkakamag-anak ang isang malakas na batayan ng pagbigkis sa mga itinuturing na wikang katutubo ng Filipinas. Kahit mga nagsasariling wika, may mga nagkakaisang katangian ang mga wikang katutubo sa gramatika, sa estruktura ng pangungusap, sa leksikon, atbp. Ito rin ang dahilan kung bakit napakadalî para sa sinumang Filipino na mag-aral ng ikalawang wika na katutubo sa Filipinas. Sa napakaikling panahon ng pagtirá sa Iloilo ay maaaring matuto ng Ilonggo ang isang Kapampangan. Ito rin ang isang saligan sa pagpilì ng isang wikang katutubo bílang batayan ng wikang pambansa. Higit na mabilis na magkakaunawaan ang mga Filipino sa buong kapuluan kung isa sa mga wikang katutubo ang magiging wikang pambansa, at kahit may mahigit 100 wikang katutubo ay higit na mabilis ding mabibigkis ng damdaming makabansa. 

Ang pangyayaring magkakamag-anak ang mga wika sa Filipinas at mga wika sa paligid ng Karagatang Pasipiko ay ginagamit din ngayong saligan ng teorya hinggil sa naging migrasyon ng mga tao sa dakong ito ng mundo. May nagpapalagay na mali ang teorya noon hinggil sa “mga alon ng migrasyon” ng mga unang táong tumawid ng dagat mulang Indonesia at Malaysia patungo sa Filipinas. Sa binagong haka, ang paglalakbay dagat ng ating mga ninuno (sakay ng balangay) ay pasuling-suling, pabalik-balik, at walang tiyak na direksiyon. Sa gayon, maaari pa ngang ang nangyari ay mula sa kontinenteng Asyano ang mga unang dumaong sa Batanes at Hilagang Luzon, may nanirahan doon, may gumalugad sa kabundukan at kapatagan hanggang Gitnang Luzon, upang muling magtawid dagat patimog, dumaan sa Kabisayaan at Mindanaw, hanggang makarating sa Indonesia o Malaysia. 

8 Madalas Itanong Hinggil sa Wikang Pambansa 

2 Why is it said that the native Philippine languages are “related”? 

The languages of the Philippines are part of the big family of Austronesian languages. This family includes the languages from Formosa in the north to New Zealand in the south, from the island of Madagascar at the African coast to Easter Islands in mid-Pacific. Up to 500 languages are estimated to be members of the Austronesian family which makes up one-eighth (1/8) of the world’s languages. 

In fact, this relatedness or kinship is one strong basis for grouping together these languages deemed native to the Philippines. Even as they are independent languages, they have common qualities and properties in terms of grammar, sentence structure, lexicon, etc. This is also the reason why it is quite easy for any Filipino to learn a second language when it is a native Filipino language. In one short stay in Iloilo, a Kapampangan may learn Ilonggo. This is also the principle for choosing a native language as basis for the national language. Filipinos around the islands can more quickly understand each other if one of the native languages becomes the national language, and even if there are more than 100 native languages it will also be faster and easier to bind and unite the people under one nationalist spirit. 

The kinship of Philippine languages as well as that of languages around the Pacific is also used as basis for human migration theory in this part of the world. Previous theories about “ waves of migration” of early humans crossing the waters from Indonesia and Malaysia to the Philippines are now considered erroneous. In the current hypothesis, sea travel among our ancestors (in balangay boats) was continuous and back-and-forth, without definite directions or destinations. Thus, it is even possible that from the Asian continental mainland, the first migration landfalls were in Batanes and Northern Luzon, and some groups settled there, others explored the highlands and plains of Central Luzon, until another ocean-crossing southward, passing the Visayas and Mindanao, and finally making landfall in Indonesia or Malaysia. 

Frequently Asked Questions on the National Language 9 

Samantala, nása iba at hiwalay na pamilya ng mga wika ang Ingles. Kayâ may naiiba itong anyo ng mga salita, pagbigkas, at balangkas ng pangungusap kaysa mga wikang katutubo ng Filipinas. Sa gayon ding paraan, kung madalîng matuto ng ibang wikang katutubo sa Filipinas ang isang karaniwang Filipino, tripleng mas mahirap niyang pag-aralan ang wikang Ingles. 

3 Bakit may tinatawag na mga “pangunahing wika” ng Filipinas? 

Tradisyonal na tinatawag na walong pangunahing wika ng bansa ang Bikol, Ilokano, Hiligaynon, Pampanggo, Pangasinan, Sebwano, Tagalog, at Waray (Samar-Leyte). Malimit ding tawagin ang mga ito na wikang rehiyonal. May pagkakataóng isinasáma sa pangkat ang Mëranaw, Tausug, at Magindanaw. Ang karaniwang katwiran sa “pangunahing wika” ay dahil (1) may malaking bílang ito ng tagapagsalita, karaniwang umaabot sa isang milyon ang tagapagsalita, o (2) may mahalagang tungkulin ito sa bansa bílang wika ng pagtuturo, bílang wikang opisyal, o bílang wikang pambansa. 

Sa 1934 Kumbensiyong Konstitusyonal ay mga tagapagtaguyod ng naturang mga pangunahing wika o wikang rehiyonal ang nagpaligsahan sa loob at labas ng bulwagang konstitusyonal para sa pagpilì ng magiging batayan ng wikang pambansa. Bagaman sa dulo ay Sebwano at Ilokano ang naging mahigpit na karibal ng Tagalog, ang nagwaging pagboto laban sa Tagalog ay bunga ng tagumpay ng mga maka-Sebwano at maka-Ilokano na makuha ang boto ng mga delegadong may ibang wikang rehiyonal. Ang pagsasaalang-alang at paggálang sa mga wikang rehiyonal ay mahihiwatigan kahit sa pagbuo ng kalupunan ng Surian ng Wikang Pambansa. Isa lámang ang kinatawan ng Tagalog kahanay ng mga kinatawan ng mga pangunahing wika ng Filipinas sa paghirang ng Tagalog bílang batayan ng Wikang Pambansa. 

10 Madalas Itanong Hinggil sa Wikang Pambansa 

Meanwhile, the English language family is situated elsewhere and altogether separate. That’s why it has different word forms, pronunciation, and sentence structure compared to native Philippine languages. In the same manner, as the ordinary Filipino easily learns other native Philippine languages, it would be triple difficult for him or her to learn English. 

 

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top