Students respond to surprise burial of Marcos
By Dada Ducot
Following the burial of Ferdinand Marcos in the Heroes Cemetery in Manila, Philippines, last November 18, 2016, members of the UBC Philippine Studies Series (PSS) gathered to discuss possible actions of protest that could be held within the university. The “Padasal Para sa mga Pinatay Ni Marcos” emerged as the UBC PSS’s response to the surprise burial of the late dictator. The “Padasal” was performed at the UBC Liu Institute on November 21 by members of the PSS and guests from the Filipino-Canadian community.
Co-written by UBC poets Karla Lenina Comanda (UBC Main) and Rina Garcia Chua (UBC Okanagan), The “Padasal” is a reformulation of the prayers recited and performed in the Philippines to honour the departed. But the late dictator is not among our beloved, and the UBC PSS firmly believes that he does not deserve to be laid to rest with the rest of the Philippines’ real heroes. Therefore, in the “Padasal,” the ills and excesses of the Marcoses are recited, while the names and courage of those killed, tortured to death, and disappeared, during the Martial Law period in the Philippines are repeatedly invoked. By remembering the names of the martyrs of Martial Law, we seek to re-inscribe into our memory the sacrifices they have done, so that our will for action may be strengthened and our commitment to continue the struggle may be re-affirmed.
The following resources for the “Padasal Para sa mga Pinatay Ni Marcos” are free for use and open source. This means anyone or any group who/which would like to perform that Padasal may use these resources or revise and translate them as they deem fit, but in accordance with the purposes of the idea behind the conceptualization of this project: to honour the victims of Martial Law, and; to express outrage against the continuing arrogance and despotism of the Marcoses.
For questions, please email, ubc.pss@gmail.com
See: https://ubcphilippinestudies.ca/marcosnotahero/
Full text of Prayers:
Panalangin Para sa Kaluluwa ng mga Pinaslang ng Diktaduryang Marcos
Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo…+
AMEN.
Lahat: Panginoon ng hustisya, Diyos ng katarungan, saksi sa kalapastanganan sa Pilipinas noon, ngayon at magpakailanman. Pinapanaghoy naming masakit sa tanang loob ang paglibing sa isang dakilang magnanakaw, diktador, at mamamatay-tao. Sa mga kababayan naming nagdusa sa panahon ng Batas Miliar, pinaparangalan namin silang lahat. Nagtitika kaming matibay na hindi na ito mauulit, nagtitika kaming magkumpisal ng aming mga katawang nagkulang sa pagkilos. Umaasa kaming makakamit rin nila ang tunay na hustisya alang-alang sa kalayaan, at pagkamatay nila sa kamay ng estado alang-alang sa bayan. Sila’y nawa.
Buksan mo, Panginoon namin, ang aming mga labi, palusugin ang aming mga loob nang magamit ito sa patuloy na pakikibaka para sa demokrasya; papaningasin mo ang aming puso ng magunam-gunam naming mataimtim ang kamahal-mahalan nilang pinagdaanang hirap at kamatayan, libu-libong pasan ng kanilang mararangal na pamilya, at ng maging dapat kaming dinggin sa harapan nilang di-matingkalang ala-ala, na nabubuhay sila at gumagabay sa laban para sa pambansang kamalayan at katotohanan. Sila’y nawa.
ANG SAMPUNG PANALANGIN
Namumuno: Mga kaibigan, lingapin natin ng matang maamo ng mga kaluluwang sinaktan at pinahirapan, lalo na ang kaluluwa ng mga pinaslang sa panahon ng Batas Militar. Na malaya tayo ngayon dahil sa kanilang matinding pagpapasakit. Sila’y nawa.
Alang-alang sa masaganang dugo na inyong ipinawis ng kayo’y nakibaka.
Tugon: Patawarin ninyo kami at gabayan sa patuloy na pagkilos.
Alang-alang sa tampal na tinanggap ng inyong pagdurusa.
Tugon: Patawarin ninyo kami at gabayan sa patuloy na pagkilos.
Alang-alang sa ‘di makatarungang pagpaslang na inyong dinanas.
Tugon: Patawarin ninyo kami at gabayan sa patuloy na pagkilos.
Alang-alang sa kawalan ng hustisyang nakatinik sa inyong lalamunan.
Tugon: Patawarin ninyo kami at gabayan sa patuloy na pagkilos.
Alang-alang sa paglakad ninyo sa lansangan ng kapaitan ng diktadurya ay inyong kababaw-babaw.
Tugon:Patawarin ninyo kami at gabayan sa patuloy na pagkilos.
Alang-alang sa inyong mga pamilyang iniwan na naliligo sa dugo ng kahirapan at karahasan.
Tugon: Patawarin ninyo kami at gabayan sa patuloy na pagkilos.
Alang-alang sa dangal ninyong natigmak ng dugo na biglang pinaknit at hinubad ng mga tampalaang sundalo.
Tugon: Patawarin ninyo kami at gabayan sa patuloy na pagkilos.
Alang-alang sa kasantu-santuhan ninyong katawang winalang-hiya ng estado.
Tugon: Patawarin ninyo kami at gabayan sa patuloy na pagkilos.
Alang-alang sa inyong kasantu-santuhang paa at kamay na pinakuan ng mga pakong pagkakanulo ng Korte Suprema.
Tugon: Patawarin ninyo kami at gabayan sa patuloy na pagkilos.
Alang-alang sa tagiliran ninyong nabuksan sa saksak ng matalim na sibat ay binukalan ng dugo at tubig.
Tugon: Patawarin ninyo kami at gabayan sa patuloy na pagkilos.
AMA NI SANDRO
Ama ni Sandro, sumalangit ka na’t yaman lang sinasamba mo.
Mapapasaamin din ang kaharian mo.
Sinusunod ang loob mo ni Duterte, para sa pagka-bise presidente.
Ibalik mo na ang perang dapat naming ipambubuhay sa araw-araw
At bayaran ang inyong mga pagkakasala
Para sa ikapapayapa ng mga buhay na inyong pinahirapan at pinaslang.
At huwag ka nang muling tumakbo,
Kung ‘di ay ililibing ka namin kasama ng Ama mo.
Amen.
ABA, GINOONG IMELDA
Aba, Ginoong Imelda!
Napupuno ka ng yaman,
ang kaban ng bayan ay sumasaiyo;
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat,
at pinagpala naman ang iyong mga Anak na sina Irene, Imee, at Bongbong.
Santa Imelda, Inang mandarambong, pananagutin ka ng taumbayan,
ngayon at kung kami’y mamamatay.
Amen.
LUWALHATI
Luwalhati sa mga namatay, nabuhay, lahat ng nagdusa para sa demokrasya.
Kapara noong unang-una, ngayon at magpasawalang hanggan.
Amen.
Namumuno: Pagkalooban nawa sila ng kapayapaan at katarungang walang hanggan.
Lahat: At gabayan kami ng kanilang liwanag at ilaw na walang hanggan.
Namumuno: Mapanatag nawa sila sa kapayapaan.
Lahat: Sila’y nawa.
(1X – Uulitin ng isang beses Ang Sampung Panalangin, Ama ni Sandro, Aba Ginoong Imelda, Luwalhati, at “Kapayapaang Walang Hanggan.”)
PANALANGIN
Lahat: Katamis-tamisang mga lumaban sa Batas Militar, ginugunita namin ang inyong pakikibaka; lumagak man ang inyong dakilang dugo sa karahasan; alipustain ng gobyerno, mapasakamay ninyong mga tampalasan sa panga-abuso ng Konstabularyo; gapusin ng kawad ng kuryente; dalhin sa Kampo Krame; tulad sa Korderong walang sala; iharap kay Lakay, Imelda, Bongbong, Imee, at Irene; gulpihin, at pinaratangan at pinatotohanan ng mga sundalong sinungaling; sakalin ng rehas na bakal; duraan; matadtad ng sugat at pasa ang buo ninyong katawan sa hampas ng plantsa, kinuryente, naglaho sa kamalayan ng bayan, hubo’t hubad pinaupo sa bloke ng yelo, malagay sa isang pagkahubong kahiya-hiya; napako at trinatong parang hayop; napagitna sa libu-libong magnanakaw at kawani ng gobyerno na parang salot lamang kayo sa kanila, pasaksakan sa braso ng truth serum, at ang inyong pag-aari ay saksakan ng sili at bala. Hanguin ninyo, mga tunay na bayani, alang-alang doon sa madlang sakit na lubhang mapait para sa dalita ninyo, ang inyong mga kaluluwa sa Purgatoryo ng pagkalimot, sa pagdurusa ninyo, iakyat nawa kayong matiwasay sa tunay na katarungan; gabayan mo kami alang-alang sa mga karapatang pantaong patuloy na niyuyurakan ng gobyerno, sa pagpapahirap ng militar, ng kami ay maging malaya ngayon, na inyong pinagdalhan sa mga Marcos at kanilang mga kaututang-dila, ganid na mandarambong na patuloy na nakikinabang sa kaban ng bayan; nabubuhay kayo at nagbibigay-liwanag, kasama ng mga bayaning nauna sa inyo, sa aming alaala, magpasawalang-hanggan. Kayo’y’y nawa.
Nangunguna: Sapatos ni Imelda
Lahat: Pera ng bayan.
Nangunguna: Kampanya ni Bongbong.
Lahat: Pera ng bayan.
Nangunguna: Botox ni Imee.
Lahat: Pera ng bayan.
Nangunguna: Kasal ni Irene.
Lahat: Pera ng bayan.
Nangunguna: Edukasyon ni Sandro.
Lahat: Pera ng bayan.
Nangunguna: Kabaong ni Apo Lakay.
Lahat: Pera ng bayan.
Nangunguna: Santisimo Lakay, na tatlong henerasyon at iisang diyos-diyosan.
Lahat: Marcos, Hitler, Diktador, Tuta.
LITANYA PARA SA MGA TOTOONG BAYANI
(Tugon: …Ipanalangin mo sila)
Luis “Boyet” Mijares …
Anak ni Primitivo Mijares, na sumulat upang ipaalam ang katotohanan sa sambayanan …
Nimfa Del Rosario …
Lumaban, hanggang kitilin ang buhay ng isang bala sa bandang Banaue …
Emmanuel Lacaba …
Lumaban, natagpuan nakagapos at tila kinaladkad na parang baboy, hanggang mamatay …
Resteta Fernandez …
Lumaban, pinugutan …
Soledad Salvador …
Lumaban, pinugutan, ipinarada sa mga probinsya …
Jeremias Aquino …
Paring organisador ng bayan, namatay sa kasuspe-suspetsang aksidenteng hindi inimbistigahan …
Nilo Valerio …
Lumaban, pinugutan, ipinarada sa mga probinsya at inilibing na walang ulo o dignidad …
Liliosa Hilao …
Lumaban alang-alang sa kanyang kuya, natagpuang lusaw ang laman loob …
Archimedes Trajano …
Nagsalita sa open forum, tinapon sa bintana ng isang gusali …
William Vincent Begg …
Tinortyur, natagpuang patay sa saksak, tama ng baril, at tadyak …
Dr. Juan Escandor
Manggagamot, basag ang bungo, buong katawan ay nilapastangan…
Cesar Climaco
Alkaldeng palaban, binaril sa kanyang likuran…
Lorena Barros
Iskolar, manunula, lumaban, namatay na duguan….
Noel Tierra
Lumaban, pinugutan…
Macli-ing Dulag
Tagapagtanggol ng katutubong lupain, tama ng baril…
Edgar Jopson
Lider ng mga mag-aaral, siyam na tama ng baril, katapangang hinangaan ng mga sundalong pumaslang…
Antonio Hilario
Lumaban, pinaghukay ng libingan para sa mga kasama bago siya binaril…
Erning Castellano
Mangingisdang sinagrado ang kalikasan, tama ng baril…
Sa libu-libong kaluluwa ng mga Morong walang-awang pinaslang…
Ang tatlong daan at siyamnapu’t walong nawawala na dapat ipagbantog …
Isang libo tatlong daan at tatlumpu’t walong sinalvage na dapat inaalala …
Isang libo apat na raan at siyamnapu’t siyam na namatay o nasugatan na totoong mga Bayani …
Ang siyamnapu’t siyam na milyong Pilipino na dapat magkaisa sa pagtibay ng kanilang mga loob laban sa mga sadyang nambubulag ng Hustisya …
ABA PO, SANDRO AKALA MO HARI
Lahat: Aba po, Sandro Akala mo Hari! Wala kang awa sa mga namatay at nagtangis dahil sa iyong mga ama; aba, kahit na ang pinang-aaral mo sa Estados Unidos ay galing sa amin. Ikaw nga talaga ang tinatawag naming pinapanaw na taong hayop ni Imelda. Ikaw rin ang pinagbubuntung-hiningahan namin sa aming pagtangis sa mga pino-post mong mga Ramen sa iyong Instagram; dini sa lupa, bayan nating kahapis-hapis dahil sa mga ginagastos mo diyan sa Inglatera, ilingon mo naman ang iyong Iphone 7 sa mga totoong kahayupan ng iyong mga ninuno. At saka bago matapos pumanaw ang buhay nitong Akala Mo’y isang Hari, ipakita mo sa amin ang mga yaman na ninakaw mo sa kaban ng ating bayan. O, Sandro Akala Mong Hari, huwag kang aasa na kakaawaan ka namin.
Nangunguna: Ipanalangin ninyo ang bayan naming sawi, mga martir ng Batas Militar, laban sa mga pilit na nagpapahirap dito.
Nangunguna: Panginoon namin, dinggin Mong matuklasan ng sambayanan namin ang mga sadyang umaamo-amo kunyari. Dinggin mo ang pagtatangis ng mga kabataan na ngayo’y pupunta sa mga lansangan upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan.
Ipinagtatagubilin naming sa Iyo, Panginoon namin, ang mga kaluluwa na lalabas sa lansangan upang ipakita ang kanilang galit at pagka-dismaya; ngunit, higit dito, hinihiling namin ang hustisya at kapayapaan sa mga kaluluwang biktima na trinaydor ng Supremo. Mangyari’y Iyong wakasan ang kanilang mga hilahil, at ipapasan mo sa amin ang kanilang mga pagdurusa upang kami ay lumaban ng buong tapang, magpasa-walang hanggan.
Lahat: Sila’y nawa.
KREDO NG MGA BIKTIMA
Lahat: Sumasampalataya kami sa Diyos, Ama ng Hustisya, makapangyarihan dapat sa Bayan naming sawi na kinahinatnan ng aming sariling langit at lupa.
Sumasampalataya kami para sa mga biktima ng Batas Militar, na dinakip pagkatapos ipagtanggol ang kanilang karapatang pangkasarinlan. Ang mga katawan nila ay nilapastangan, dinahas, niligpit, na walang kasamang utos ng pagpapa-rakip. Pinagpakasakit ng mga lasing na sundalo o kapulisan, ang iba ay nakita kinabukasan na may butas ang lalamunan at batik ng kahayupan. Nanaog sa kinaroroonan nitong aming mga totoong bayaning yumao, na sila’y mabigyan ng Hustisyang matatawag na langit. Maluklok sana sila sa aming mga puso’t isipan na bigyan kami ng kapangyarihan lumaban katulad ng paglaban nila, para sa Bayan, at doon magmumulang paririto sa aming mga katawan ang inaasam na hukom sa mga hindi karapat-dapat namatay.
Sumasampalataya naman kami laban sa mga nasa kasalukuyang administrasyon, sa mga “banal na aso at santong kabayo,” sa kanilang walang kahihiyang pag-kalinga sa mga may tunay na may sala, sa paglibing ng isang diktador na mamamatay-tao at magnanakaw sa walang hanggan. Amen.
Nangunguna: Pagkalooban Mo po kami, Poon namin, ng kakayahang hindi makalimot hangga’t sa walang hanggan.
Lahat: Magbigay ka sa kanila ng liwanag at linaw na walang katapusan.
Nangunguna: Mapanatag nawa silang mga nilapastangan sa kapayapaan na ipinagkaila ng mga nasa kapangyarian at nakaakip ng Iyong langit.
Lahat: Sila’y nawa.
Nangunguna: Panginoon naming Diyos, itong yaman na ninakaw nila sa amin ay may bakas ng mga sugat na hindi naming papayagang maghilom. Sa mahal na mga kumot nila ibinabalot ang kaniyang waks na katawan na kunyari ay kabanal-banal; sa mga pabalat ng mga mamahaling magasin ang kaniyang mga anak ay rumarampa, habang ang kanilang mga ninakawan ay tuloy ang pagdurusa’t pagaklas sa ipinamana nilang kahirapan. Ipagkaloob Mo po sa amin, mahabaging Panginoon, alang-alang sa nakakalumos niyang palihim na paglibing, na siyang may sala ay hindi makakaabot sa glorya ng pagkabuhay. Panginoon namin, dito lamang sa lupa sila maghahari, ngunit pagdating sa iyong kasamahan, Diyos Ama, at pakikipagkaisa sa Diyos Espirito Santo, hindi niya Ito mararating man kahit sa walang-hanggan. Sila’y nawa.
Huwag mo siyang ipahintulot, Panginoon ko –
Siyang paandar sa pagkapiit sa Bayan.
Sa pinto ng impyerno, dalhin Mo ang kanyang kaluluwa
Upang huwag siyang mapanatag sa kapayapaan
na ikinitil niya sa mga Biktima.
Lahat: Sila’y nawa.
Nangunguna: Pakinggan Mo Poon ang aming apat na pu’t apat na taong daing. Dumating nawa sa mahal Mong tainga ang aming pagtawag alang-alang sa aming Bayan.
Manalangin tayo …
Lahat: O, Diyos namin, na sa kaginhawahan ng mga Pilipinong naghinagpis noon at naghihinagpis ngayon, hinihingi namin na huwag Mong kaawaan ang kaluluwa ng diktador na siyang hindi dapat pangalanan o ipagdasal. Namatay siyang taksil sa kaniyang sariling Bayan, sa aming mga magulang, kapatid, kamag-anak, at kahit sa mga ngayon ay nakalimot na ng kasaysayang Bayan. Huwag Mo po sanang hayaang patawarin namin ang lahat ng kaniyang kasalanan, ayon sa indulihensiyang hindi naman niya kahit kailan ay hiningi o ninasa. Huwag Niyo pong pakundangan sa Inyong awa, at huwag din po Ninyo papasukin sa kaharian Niyo na walang hanggan.
Nangunguna: Pagkalooban Mo po kami, Poon namin, ng galit na walang hanggan, upang hindi namin malimutang ipaglaban itong pasakit sa Bayan.
Lahat: Magbigay Ka sa amin ng liwanag at ilaw na walang katapusan.
Nangunguna: Dalhin Mo po kami sa aming tinatamasang Hustisya para sa mga Biktima.
Lahat: Sila’y nawa.
O IMEE
O Imee na pasanta-santita at may kamahalang terno sa pabalat ng Tatler na galing sa aming mga bulsa, sa paglantad mo na “hindi inaasahang pangyayari” ang Batas Militar na idineklara ng iyong ama at ang mga pagdurusa dahil dito, sana ay hindi kaawaan at patawarin ang iyong kaluluwa ng aming mga kaibigan, kapatid, at mga magulang. (1x – Uulitin ng isang beses).
Imee itong aming hain di man karapat-dapat sa retokado mong mukha at itim na kaluluwa, sana’y kaawaan mo ang iyong sarili sa iyong pinagsasasabi. Ampunin mo sana ang mga dahas na dapat napasaiyo, noong sinabi mong “musmos” ka at walang malay sa kahayupan ng iyong ama. Kunyari paamo-amo ka pa sa taong bayan, maluha-luha sa harap ng kamera, ngunit walang kapatawaran itong kasinungalingan na hanggang ngayon ay inyong pinaglalaban, sa “same-day edit” mo na walang hanggan sa kapal.
Sila’y nawa.
Nangunguna: Alang-alang sa mga Biktima ng Batas Militar, at sa mga nasaktan ng mga nagpapaka-Santo, silang totoong bayani ay sana nawa’y magkaginhawa at magkaluwalhati ang kalahatan Ninyo, Ama namin. Gisingin Niyo po ang Sambayanan sa katotohanan, upang ipagpunyagi namin ang karapat-dapat para sa Bayan.
Lahat: Amen.
BENDITO
Nangunguna: Purihin at ipagdangal ang mga totoong Bayani ng aming Bayan sa altar ng gaguhan at ang kalinis-linisang paglilihi namin sa karapat-dapat na Hustisya para lamang sa kanila, at kaming mga nagbabayad ng kanilang mga utang sa kaban ng Bayan, na hindi kami magmana sa kasalanang orihinal ng mga Marcos sa mula’t mula, at hindi kami “magmove-on” kailanman at magpasawalang hanggan.
Lahat: “Move on” niyo mukha niyo! Neknek nawa. Amen.
Ang akdang ito nina Karla Lenina Comanda at Rina Garcia Chua ay maaaring gamitin para sa mga protestang-padasal para sa mga martir ng Batas Militar. Photo Credit: Philippine Daily Inquirer.
UBC Philippine Studies Series
http://ubcphilippinestudies.ca
The Philippine Studies Series (PSS) is a series of activities that highlight academic work, community action and art, providing a venue for the discussion of Philippine issues in Vancouver, Canada.
PSS is funded by the Liu Institute for Global Issues at the University of British Columbia. [Read more…]