Pastor Apollo Quiboloy. (Philippine Star)

 

Bangkok, Thailand

 

 

Children’s Joy Foundation also operates in Canada

Last updated Jan 19, 2019

Dinakip ng mga awtoridad sa Bangkok, Thailand ang tatlong Filipina dahil sa ginawang paglikom ng pondo para umano sa Children’s Joy Foundation, na itinatag ni Pastor Apollo Quiboloy.

Sa isang restaurant sa Phettrakul, sa distrito ng Bang Lamung naaresto ang tatlong Pinay na sina Belinda Austria Toledo, 55, Jessica Bayutas Ortega, 50, at Ruthie Espina Babila, 38, habang kumakausap ng mga tu­rista para magbigay ng pera para sa nasabing foundation.

Nakuha sa kanila ang dalawang kahon ng mga donation leaflet, 10 booklet ng mga pangalan ng donor, gitara at cash na aabot sa P9,300.

Nangako naman ang Embahada ng Pilipinas sa Bangkok na tutulungan ang tatlong Pinay. Nakipag-ugna­yan na din ang Department of Foreign Affairs sa mga awtoridad sa pulisya sa nasabing lugar upang malaman ang kalagayan ng tatlong nadakip. (Armida Rico)